Alaala
Tuwing inaalala ko ang mga araw na bata pa tayo Ako ay tila naluluha sa mga alaalaang hindi na maibabalik pa Mga araw na wala pa tayong kamuwang-muwang sa mundo Mga araw na nagbabasa pa tayo ng abakada. Ngunit nasaan na ang mga batang iyon ngayon Malalaki na sila ngunit nalimutan na ang masasayang alaalang ginawa noon Kung dati, laging magkakasama Ngayon, parang 'di na nila kilala ang isa't isa. Kung maibabalik ko lamang ang oras Babalikan ko ang mga masasayang araw na lumipas Upang muling madama ang saya na parang walang bukas Para sa memorya, sana ito'y hindi kumupas. 'Pag tayo'y kolehiyo na Sana pagkakaibigan natin ay walang pagkakaiba Kahit na maraming ibang makikilala Hiling ko'y sana 'wag limutan ang masasayang alaalaa. Kung tayo'y matatanda na At mga pangarap ay naabot na Sana hindi natin malimutan ang isa't isa Pagkat marami tayong mga memoryang ginawang magkakasama.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
