ako'y iyong...
Ako'y iyong niligawan At binigyan mo ako ng rason para ikaw ay aking pagkatiwalaan Nag-aaral ka para maging propesyonal na tagapagluto Habang ako, nag-aaral para maging isang propesyonal na guro Labingwalong pagitan ng pagdiriwang Ngunit wala ka rito dahil ako'y iyong iniwan Wala rin ako sa tabi mo Dahil kahit kailan ay hindi tayo naging totoo Nahuhulog ako nang kasama ka Kaya hindi mo ko sinalo, dahil nasa harapan kita At unti-unti ka namang nawala Na para bang isang bagyo na tumama Hinayaan mong lunurin ka ng sarili mong ulap na mabigat Hanggang sa kinalimutan mo tayong dalawa na i-angat Naaalala mo pa ba ang sinabi mo kung gaano mo ko gustong halikan sa pagitan ng aking ulo at mga balikat? Naalala mo pa ba ang mga mala-asukal mong letra, salita, at pangungusap? Naalala mo pa ba ang paulit-ulit na pag-akyat ng araw at pagbaba ng buwan na ikaw ang aking hinahanap? Naalala mo pa ba ang lahat? O hindi na kasi yun ang nararapat? Ngayon, hindi ko na alam kung anong lugar ang aking tinatanaw Dahil ako'y iyong iniligaw © Domar Esmabe
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
