Ako
Ako at ikaw Isang katagang napakasarap pakinggan Parang bang ayaw na kitang pakawalan Sapagkat ikaw na ang naging tahanan Sa mga mensahe, regalo, biruan, at tawanan ako ay dehado Na ang puso ay sayo na naka kandado Kaya naman sa iba ang pinto ay sarado Sana wag ka ng maging apurado Ito na nga ang pag mamahal Na matagal ko ng dinadasal Na sa puso ko ikaw ay itanghal Pero hindi pala mag tatagal Kasi sa pag lipas ng mga oras Mga away at di pagkakaunawan ay napapadalas Na halos minsan ay lagi kana lang lumalagpas Para na akong sinasaksak ng kutsilyong matalas Lagi na kitang nahuhuling sa iba ay nakatingin At pag sa akin ikaw naman ay umiiling Sana naman ako ay iyo ng pansinin Wag ka namang umasta na may tililing Sa aking puso sakit nga ay tumatagos Kasabay nito ang luha kong umaagos Bakit sa gantong paraan pa magtatapos Pakiusap wag tayong mag padalos dalos
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
