"aking sinta"
Alam mo ba madalas kitang nakikita sa aking isipan. Parang pelikula, paulit-ulit na naglalaro ang mga eksena natin sa aking utak. Ang iyong ngiti ang iyong tawa ang iyong paraan ng pagsasalita lahat ay parang musika sa aking mga tainga Hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaiba sayo. Parang may magnet na nag uugnay sa ating dalawa kahit na hindi pa tayo nagkakakilala ng lubusan Sana, isang araw magkaroon ako ng lakas ng loob na lumapit sayo at sabihin ang lahat ng ito. Sana makita mo rin ang kagandahan ng iyong kaluluwa sa aking mga mata. Hanggang sa araw na iyon, patuloy akong mag-aantay umaasa, at magdadasal na sana mapansin mo rin ako.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
