aking saloobin
Sa bawat pagdilat, hinahanap ang naiwan mong bakas. Presensya mo’y pinipilit pakiramdaman, kahit anino mo’y hindi na mahagilap. Sapagkat—ako’y tila naiwan sa kawalan ng walang hanggan, noong araw na ikaw ay lumisan. Ninanais na mahagkan muli—ang mga yakap mo’t mga halik. Ngunit mundo, ako’y tuluyan nang tinalikuran. Multo ng kahapon, ako’y tila di makalisan; naghahangad pa rin ng iyong pagbalik at muli kang masilayan. Ikaw ang bawat pyesa ng buhay ko, kaya ako’y mananatiling kulang—hanggang sa ang ilaw ay muli akong ihatid pabalik sa’yo, mahal ko.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
