Aking minamahal
Bakit gan'to? bakit parang iba na ang aking pakiramdam tuwing ika'y kasama ko? Ngiti, saya, at tawa kapag kapiling ka minsa'y napaisip ako, ako ba ay iyong ginayuma? Ako'y labis na nahuhulog saiyo, ginoo. at 'di na liliko sapagkat sa'yo ay kuntento na. saksi ang ating Panginoon, na mahal na mahal kita. Araw gabi Kong pinagdarasal na balang araw mapa sayo ako. Bawat minutong lumilipas Pilit sinusulit ang oras, Na kapiling ka ngayon at bukas Kahima't magpahanggang wakas Kahit iba ang iyong pinupusu-an. Kahit masakit, ipinipilit ko pa ring ibigin ka, ganon kita ka mahal. Kung di rin lang ikaw, huwag na lamang. Aking mahal sana'y muli tayong mag tagpo sa huling yugto ng ating buhay.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
