"Aking giliw"
Ang iyong boses ay notang may kakaibang kiliti sa aking tenga, ang siyang kapayapaan sa magulong mundo ng isang pahinga, sa tunog ng musika ng iyong sinabi ako'y nahihimbing, bawat salitang sinasambit puno ng mga paglalambing. Ang sinag ng araw sayo'ng pisngi habang ika'y nakangiti, ang mga mata mong tila isang bulaklak sa hardin 'di mapakali, ako'y paru parong nahuhumaling magbabalik muli ng sayo'ng piling, hindi magsasawang alayan ka ng kundiman at ika'y haharanahin. Aking natatangi, kasiguraduhan sa isang libong mga duda, ikaw ang aking pinaka higit pa sa anumang larawang luma, pahahalagahan kita nais kong manatili ang kinang ng mga mata at ngiti, hindi na mawawala ang saya na sisilay sa iyong pisngi. Lumipas man ng panahon mananatili ang mga pangako't pagsuyo, kailanman hindi makadarama ng kahit anumang pagsuko, ikaw ang paborito kong titigan hindi nakakasawang imahe, natatanging na nakabihag sa mailap na puso sa'yo nabighani.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
