"AKALA KO BA'Y MATALINO KA?"
Naubos na ang tinta, Papel ay hindi na maipinta, Hindi na mahanap ang talento, Nasaan na ang dating talino? Naiwan na ang kakayahan, Napahinto sa madilim na kapalaran, Pilit hinahanap ang dating daan, Sa liwanag kung saan 'di ko masilayan. Nakapanghihina ang pagbagsak, Mga dating pangarap unti-unting nawawasak, Iniisip paano ulit ito bubuoin, O taka......mahirap nang ayusin. Hindi ko na alam, Hanggang dito nalang ba ang aking makakayanan? Galing ba'y tuluyan nang naiwan? Sa kahapong hindi na ulit mararanasan.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
