912✨
Diko mawari kung ano ang nararamdaman pero siguro isa itong pamahiin na ika'y aking dapat na pahalagahan. Nalilito, di mapakali, ano ba talaga ang nararamdaman sa iyo. Aminadong kabado at ayaw pa ng puso sapagkat masyado pa tayong bata para dito, marami pa tayong mga parangarap na dapat tuparin at tungkulin na dapat na pag tuunan ng pansin. Darating din tayo sa puntong wala ng taguan at biro, sikreto at pangamba na baka sa huli hindi rin Pala tayo. Sa puntong tanggap na ng mundo ang maging akin ka at ako'y mapa sayo. Ang ngayon, dapat ay sarili muna iwasan Muna natin ang umibig sa isa't isa. Tuparin Muna natin lahat ng gustong marating, bago natin balikan kabanatang naudlot natin. Iwasan Muna nating mahulog sa maling tulayan. Isipin natin mga bagay na maaring mangyari sa pagitan nating dalawa, pag sinunod natin Ating nadarama. Hindi man Ngayon, pero pangako Ikaw at Ikaw Ang pipiliin ko. Sa tamang oras Alam ko sa iyo parin Ang pakay ko. Lo siento Mahal ko Alam Kong masyado kong masaktan damdamin mo pero Ang hangad ko nama'y mapa Buti Ang landas na tatahakin mo... Hanggang sa susunod na kabanata Ating ipag papatuloy Ang sinimulan nating paksa. _emaAB
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
